Taunang Abiso sa Di-Pagdiskrimina
Ang Bates Technical College ay nag-aalok ng humigit-kumulang 50 associate degree at opsyong pangsertipiko sa iba’t-ibang larangan, na nagbibigay ng mayamang kapulungan ng mga teknikal/propersyonal, batayang kakayanan, at patuluyang edukasyon na mga programa. Ang mga estudyante na naghahanap ng degree o sertipiko ay kailangang mag-apply para sa pagpasok sa programa at magrehistro sa isang degree o pangsertipikong programa. Tutugunan ng Bates Technical College ang anumang mga hadlang sa pagpasok at partisipasyon sa teknikal o pang-akademikong mga programa kasama na ang kakulangan sa kakayahan sa wikang Ingles.
Muling pinatitibay ng Bates Technical College ang kanyang polisiya sa pantay na oportunidad at pagkawalang diskriminasyon sa batayan ng lahi, etnisidad, kulay, kredo, relihiyon, bansang pinanggalingan, kasarian, seksual na oriyentasyon, edad, estado sa pagiging kasal, pagkakilanlan sa kasarian, pagkabalda, o estado bilang baldadong beterano o beretano sa panahon ng Vietnam sa kanyang programa at mga aktibidad na alinsunod sa polisiya ng kolehiyo at naaayong mga palatuntunan ng pederal at estado at mga regulasyon. Ang mga katanungan hinggil sa polisiyang di-pagdiskrimina ng Bates ay dapat na idirekta kay: Steve Ashpole, Director of Student Outreach, Advising, and Conduct, para sa mga estudyante, sa 253.680.7102 o sashpole@batestech.edu o kay Kameil Borders, Executive Director of Human Resources, para sa mga empleyado, sa 253.680.7180 o kameil.borders@batestech.edu o sa 1101 South Yakima Avenue, Tacoma, Washington 98405.
Para sa karagdagang impormasyon sa abiso ng di-pagdiskrimina at pantay na oportunidad, tingnan ang listahan ng Office for Civil Rights (OCR) enforcement offices para sa address at numero ng telepono ng opisina na tutugon sa inyong lugar o tumawag sa 1.800.421.3481. Mga katanungan hinggil sa aplikasyon ng Title IX at regulasyon sa pag-implementa ay maaaring g idrekta kay Kameil Borders, Director para sa Human Resources, 253.680.7180, para sa mga tauhan sa kolehiya at kay Steve Ashpole, Vice President Student Services, 253.680.7005, para sa mga estudyante, sa 1101 South Yakima Avenue, Tacoma, Washington 98405, o sa 1.800.562.7099. Kung kailangan mo ng tulong para sa paghina ng panramdam o pagkabalda, makipag-ugyan sa Disability Support Services Coordinator sa 253.680.7012.
Pagsasalin ng Pahayag sa Di-Pagdiskrimina
Ang abiso ng Bates Technical College ng di-pagdiskrimina ay mababasa sa Ingles, Korean, Chinese, Russian, Tagalog, at Spanish. Kung nais mong magkaroon ng pahayag sa isa sa mga nabanggit na lengguahe, pakisuyong manghingi ng kopya mula sa Human Resources sa 253.680.7181 o hr@batestech.edu .